Home OPINION IMPEACH, IBINAON SA KABAONG, HINDI PA INILILIBING

IMPEACH, IBINAON SA KABAONG, HINDI PA INILILIBING

224
0

ITINAGO sa kabaong o archive ng Senado ang ika-4 impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Matatandaang ang complaint na ito ang ibinasura ng Supreme Court o SC noong Hulyo 25, 2025 dahil labag ito sa tadhana ng Konstitusyon na hindi pwedeng sampahan ng mahigit isang impeachment complaint ang isang impeachable official sa loob ng isang taon at labag sa due process o patas na paglilitis na tadhana rin ng Konstitusyon.

Pinili ng Senado ang pag-archive sa halip na i-table o ipospon lang ang pagtalakay rito habang hinihintay nila ang desisyon ng SC sa motion for reconsideration o apela sa pagbasura nito sa ika-4 complaint.

Labingsiyam (19) na senador ang bumoto na ilagay sa kabaong ang complaint habang 4 ang tumutol at isa ang nag-inhibit o hindi sumali sa botohan.

Tama si Senate Protempore Jinggoy Estrada na nagsabing nasa 19-20 senador ang hindi pabor sa impeachment.

Sinabi naman ni Senator Rodante Marcoleta, isa sa nag-yes sa pag-archive, na hindi problema ang muling pagbuhay muli ng impeachment sakaling baligtarin ng Supreme Court en banc ang sarili nito sa motion for reconsideration at taliwas ito sa sinasabi ng apat minority senator na mahirap ilabas ang impeachment mula sa kabaong.

Tanong: Kailan naman kaya maglalabas ang Supreme Court ng desisyon?

Walang nakaaalam lalo’t marami ang sumasawsaw at nagpipilit na magsagawa ang Kataas-taasang Hukuman ng oral argument na magpatatagal sa paggawa ng desisyon.

Ngayon naman, may nagsasabing nakalagay man sa kabaong o hindi o hindi babaligtarin ng SC ang sarili, gagawa pa rin sila ng mga paraan para ibaon sa hukay si VP Sara bago maghalalang presidential sa 2028.

Tanong: Bakit tila dedma ang mga ito sa P1 trilyong kikbak sa anti-flood projects, atbp. at nagliliyab ang mga mata nila kay VP Sara?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here