Home OPINION ‘NGIWING PANANAW’

‘NGIWING PANANAW’

226
0

HINDI matanggap ni Akbayan party-list Representative Perci Cendaña ang naging desisyon ng Senado na i-archive ang reklamong Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Tinawag niya ang mga senador na taksil sa Konstitusyon at ang institusyon na “Duterte Senate”.

Dahil lang hindi pabor sa kanila ang desisyon ng Senado matapos ang botong 19-4-1, maka-Duterte na raw ang mga senador na bumoto ng “yes”.

Sabi naman ng mga kritiko, NGIWI o tabingi ang pananaw na ito ni Cendaña.

Sinunod lang naman kasi ng mayorya ng mga senador ang naunang desisyon ng majority rin ng mahistrado ng SC na uncostitutional ang Impeachment complaint laban kay VP Sara.

Sabi nga ni Senator Rodante Marcoleta na siyang nagmosyon na i-dismiss ang reklamo, hilaw na hilaw ito pero pilit na isinusubo sa Senado.

Ayon din kay Senate President Chiz Escudero, hindi “playground” ang Senado na nais lang gamitin ng isang naghaharing-uring nilalang sa Kamara para sa pansariling interes at kapritso nito.

E sino ba ang nilalang na ito? Sinabi ni Senator Imee Marcos na siya ay si “Bondying” na sobrang spoiled sa mga kongresman.

Ani Imee, Imbes na si VP Sara ang patalsikin, si Bondying na lamang ang palitan ng kanyang mga kasama, dahil sa pagiging sobra nitong buwaya sa kapangyarihan at pera.

Aba’y baby pa lamang daw ang nasabing buwaya, mistula na siyang si “Lolong”. Si Lolong ay ang higanteng buwaya sa isang palabas sa telebisyon, mga suki.

@ @ @ @

Dapat na tayong mag-move on ngayong nagdesisyon ang Senado na “ilibing” ang Impeachment case laban kay VP Sara batay sa naunang deklarasyon ng Korte Suprema na ito ay unconstitutional.

Kung gusto ng mga kontra na mapatalsik si VP Sara sa kapangyarihan, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na maghintay sila hanggang 2028 at talunin nila sa gaganaping Presidential election.

Pero ito nga ang ayaw mangyari ni “Tambalolong” sapagkat alam niya na wala siyang kapana-panalo kay VP Sara kahit pagbali-baligtarin ang balota.

Huwag lang mamanipulahin ni “Lolong” ang halalan…pati na ng Commission on Elections.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here