Home NATIONWIDE Impeachment case ipinababasura ni VP Sara, base sa one-year bar rule

Impeachment case ipinababasura ni VP Sara, base sa one-year bar rule

259
0
TINGNAN: Natanggap ng Senado, sa pamamagitan ng Clerk of Court ng Impeachment Court, ang higit 30-pahinang Answer Ad Cautelam mula sa kampo ni Vice President Sara Duterte bandang alas-5:49 ng hapon, Lunes, Hunyo 23. Ayon sa dokumentong isinumite, nilabag umano ng ikaapat na articles of impeachment ang one-year bar rule sa ilalim ng Section 3, Article XI ng 1987 Konstitusyon kaya nararapat umanong ibasura ang reklamo. (Via Cesar Morales)

MANILA, Philippines – Opisyal na humiling si Vice President Sara Z. Duterte sa Senate impeachment court na ide-dismiss ang verified impeachment complaint laban sa kanya dahil sa paglabag sa one-year bar rule ng 1987 Constitution.

Isinumite ng kanyang legal team mula Fortun Narvasa & Salazar ang 35-pahinang sagot nitong Lunes, na nagsasabing “void ab initio” ang reklamo dahil ipinagbabawal ang higit sa isang impeachment case sa isang opisyal sa loob ng isang taon.

(Cesar Morales)

Ang ika-apat na reklamo, na inihain noong Pebrero at sinuportahan ng mahigit 200 mambabatas, ay may mga paratang tulad ng pagtataksil sa tiwala ng publiko, graft, korapsyon, at iba pa kabilang ang diumano’y pag-amin ng assassination plot at kaugnayan sa extrajudicial killings.

Tatlong naunang reklamo ang isinampa ngunit hindi naipasa para sa deliberasyon ng House Committee on Justice. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here