Home NATIONWIDE Impeachment court pinayagan si Cabotaje-Tang na tumestigo vs VP Sara

Impeachment court pinayagan si Cabotaje-Tang na tumestigo vs VP Sara

1
0

MANILA, Philippines — Pinayagan ng Senate impeachment court nitong Lunes ang pagtestigo ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang bilang expert witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay sa kabila ng pagtutol ng kampo ng Bise Presidente.

(c) Cesar Morales

Iginiit ni defense lawyer Mark Vinluan na maaaring humantong ang testimonya ni Cabotaje-Tang sa legal conclusions na aniya’y dapat pagpapasyahan ng mga senator-judge at hindi ng isang testigo.

Depensa naman ng House prosecution, sinabi ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na mahalaga ang expertise ni Cabotaje-Tang sa public accountability laws upang makatulong sa pagtalakay ng mga teknikal na usapin sa kaso.

Nagpatuloy ang pagdinig matapos payagan ng impeachment court ang kanyang presentasyon bilang expert witness. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here