MANILA, Philippines – Sa plenary session nitong Agosto 6, inihain ni Senador Rodante Marcoleta ang mosyon na ibasura ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, batay sa desisyon ng Korte Suprema na idineklarang unconstitutional at walang bisa ang reklamo.
Giit niya, agad na ipinatutupad ang pasya ng SC.

Tumutol naman si Senate Minority Leader Tito Sotto at hinikayat ang Senado na hintayin muna ang resulta ng motion for reconsideration ng Kamara.







