Home NATIONWIDE Importasyon ng ‘animals, animal products’ mula Slovakia ipinagbawal ng Pinas dahil sa...

Importasyon ng ‘animals, animal products’ mula Slovakia ipinagbawal ng Pinas dahil sa FMD

MANILA, Philippines- Ipinagbawal ng gobyerno ng PIlipinas ang pagpasok sa bansa ng ‘animals at animal-derived products’ mula Slovakia kasunod ng kumpirmasyon na may kaso ng Foot-and-Mouth Disease (FMD) sa domestic cattle sa European country.

Sa katunayan, inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na nagpalabas si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng Memorandum Order No. 21, pansamantalang ipinagbabawal ang importasyon ng buhay na baboy, bovines, at water buffaloes, at maging ang mga mga kaugnay na produkto gaya ng ‘semen, skeletal muscle meat, casings, tallow, mga kuko at paa, at mga sungay’ mula Slovakia.

Ito’y matapos na iulat ng Slovak veterinary authorities ang FMD outbreak sa World Organization for Animal Health (OIE) noong Marso 2, 2025, lalo na sa Dunajskd Streda, Trnavsky.

Sa pagpapalabas ng importation ban, sinabi ni Tiu Laurel na ang kautusan ay naglalayong pigilan ang paglaganap ng FMD virus at protektahan ang kalusugan ng mga hayop na madaling kapitan ng sakit, kabilang na ang mga baboy at mga ruminant gaya ng baka, kambing at kalabaw. Ito’y dahil na rin sa FMD-free country ang klasipikasyon ng WOAH sa Pilipinas.

Sa kabilang dako, sinabi ng DA na may ilang produkto mula Slovakia ang maaari pa ring pahintulutan na angkatin gaya ng ultra-high-temperature (UHT) milk at derivatives nito, heat-treated meat products sa hermetically sealed containers, protein meal, gelatin, in vivo-derived bovine embryos, limed hides, pickled pelts, at semi-processed leather.

“Shipments that were already in transit, loaded, or accepted into port before the official communication of the order to Slovak authorities will be allowed entry, provided that the products were slaughtered or produced on or before March 6, and have been tested negative for FMD upon arrival at the port of entry,” ang sinabi ng DA.

Samantala, sinunpinde rin ng departamento ang ‘processing, evaluation, at issuance’ ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa mga apektadong produkto. Kris Jose