Home NATIONWIDE PBBM nababahala sa panibagong agresyon ng Tsina sa WPS

PBBM nababahala sa panibagong agresyon ng Tsina sa WPS

MANILA, Philippines- Nababahala si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa mga aktibidad kamakailan ng China Coast Guard sa West Philippine Sea, ayon sa Malacañang nitong Martes.

Sa press briefing, tinanong si Palace Press Officer Atty. Claire Castro ukol sa pagsunod at pagharang ng China Coast Guard (CCG) vessel sa Philippine Coast Guard vessel BRP Cabra 170 kilometro mula sa Zambales.

”Of course, [concerned] po ang ating Pangulo sa mga nangyayari. Pero mini-maintain pa rin po natin iyong level of professionalism na may kasama pong fearless spirit of patriotism,” pahayag ni Castro, idinagdag na ilalahad ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela ang ibang detalye.

Patuloy ang tensyon sa pinagtatalunang katubigan sa pag-angkin ng Beijing sa malaking bahagi ng South China Sea, kabilang ang mga parteng inaangkin ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei.

Noong 2016, nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration sa the Hague pabor sa Pilipinas mula sa claims ng Beijing sa South China Sea, sinabing ito ay walang legal na basehan.

Patuloy ang pagbalewala ng Beijing sa desisyon. RNT/SA