Manila, Philippines – Of late ay hati ang oras ng actress turned politician na si Pola, Mindoro mayor Ina Alegre sa politocs at sa showbiz.
Paano kasi ay nagkasunod-sunod ang kanyang movie projects habang hindi rin naman niya maiwan ang kanyang sinumpaang tungkulin sa Pola, Mindoro bilang mayor.
FYI ay nauna munang maging artista si Ina nago siya naging vice mayor and later on ay naging mayor sa munisipalidad ng Pola.
“I have to admit na first love ko talaga at passion ko na ang pag-aartista. And bago naman ako naging politician, e, nakilala muna ako bilang si Ina Alegre.
“Kaya mahirap na basta na lang iwan ang kaway ng showbiz lalo na ngayon, sunod-sunod ang mga offer sa akin na gumawa ng movie.
“But at the same time, mahal ko rin ang mga kababayan ko sa Pola. Hindi ko rin pwedeng iwan ang aking trabaho doon dahil parang family ko na rin ang mga kababayan ko doon.
“So kahit na lumalagare tayo sa politocs at showbiz, e, hindi ko naman napapabayaan ang Pola. I can say na priproty ko pa rin ang public service kahit na nagagawa ko pa ting siputin ang mga commitments ko sa showbiz.
“Most of the time, sa byahe na ako natutulog para makapag-recharge,” kwento pa ni Mayor Ina.
Sa ngayon ay mag ginagawa si Mayor na movie under direk Carlos Morales, ang Wild Boys.
Star studded ang naturang pelikula na nahuli naming nagsu-shoot sa Manila Yacht Club.
Kasama niya nu’ng oras na yun ang isa sa mga PBA Legends na si EJ Feihl na kasama rin sa movie.
Bukod dito ay may ipapalabas din na pelikula sa mayor Ina sa Cinemalaya this coming August 10, ang Abe Nida.
May apat pa na pelikulang nilalagare si Mayor Ina ngunit rest assured na hindi niya napapabayaan ang kanyang trabaho sa munisipyo ng Pola.
“Masaya naman ako and hindi napapagod kasi mahal ko at gusto ko ang aking ginagawa,” sabi pa niya. JP Ignacio