Home NATIONWIDE Suporta sa IPs tiniyak ni PBBM

Suporta sa IPs tiniyak ni PBBM

MANILA, Philippines- Tiniyak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susuportahan ng gobyerno ang indigenous peoples (IPs).

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos makiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Day (NIPD).

Sa naging mensahe ng Punong Ehekutibo sa naturang pagdiriwang, kinilala ng Pangulo ang mahalagang kontribusyon ng indigenous communities sa ‘cultural at environmental heritage’ ng bansa.

“We are truly blessed to have such a distinct and lively roster of indigenous groups from the northern mountains of Luzon down to the southern islands of Mindanao. Their unique spiritual beliefs and traditions, coupled with their symbiotic connection with nature, make them invaluable guardians of our heritage and worthy protectors of our lands and resources,” ayon sa Pangulo.

“Drawing from our genuine desire to provide them the honor they rightfully deserve, the government reassures its high regard for our indigenous peoples’ cultural integrity and commits to being responsive to their needs, especially in ways that would preserve their way of life,” dagdag na wika nito.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Pangulo na ang kanyang pananaw na “Bagong Pilipinas” ay magbubunsod ng mas maayos na relasyon sa iba’t ibang grupo, sektor at komunidad.

Sinabi pa nito na ang pagkakaisa ay makatutulong na matamo ang isang layunin na magtatag ng “more equitable, inclusive, and peaceful society”.

Ang NIPD ay ipinagdiriwang sa Pilipinas tuwing Agosto 9, alinsunod sa Republic Act 10689.

Sa kabilang dako, pinangunahan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang pagdiriwang ngayong taon ng NIPD, na may temang “Protecting the Rights of Indigenous Peoples in Voluntary Isolation and Initial Contact.”

Sa paggunita sa NIPD, sinelyuhan ng NCIP ang partnership agreements at naglunsad ng inisyatiba ukol sa policy enhancements na magpalabas ng komprehensibong balangkas para sa “advocating and protecting IP rights” sa lahat ng sektor.

Samantala, natukoy ng NCIP ang 91.84 milyon, o 9.1% 108.67 milyong household population bilang IPs hanggang noong 2020, base sa pigura na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority. Kris Jose