Home NATIONWIDE Ina na nagbebenta ng anak online, kulong habambuhay

Ina na nagbebenta ng anak online, kulong habambuhay

MANILA, Philippines – HINATULAN ng korte na makulong ng habang buhay ang isang nanay na napatunayan na nagbebenta online ng mga malalaswang larawan at videos ng anak.

Natangap ng Department of Justice ang desisyun ng Quezon City Regional Trial Court Branch 86 na nagpataw sa akusado ng life imprisonment matapos mapatunayan na guilty sa paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act.

Iniutos din ng korte sa akusado na magbayad ng P2 milyon bilang multa.

Nag-ugat ang kaso sa report ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) na agad inaksyunan ng Philippine National Police Directorate for Investigation and Detective Management – Women and Children Protection Center Luzon Field Unit (PNP-DIDM-WCOC-LFU).

Nagpanggap ang PNP na customer na nakipag-ugnayan sa nanay aa pamamagitan ng
online messaging app na WhatsApp. Inalok sila ng ina ng malalaswang larawan ng anak kapalit ng pera.

Matapos ang surveillance at investigation, nagpatupad ang mga operatiba ng entrapment operation laban sa akusado at nahuli sa akto ang anak na gumagawa ng sexual acts online habang nakikipag-chat sa undercover agent.

Naaresto agad si BBB at asawa nito na si CCC na siyang may-ari ng Gcash account kung saan idinedeposit ang bayad.

Gayunman, inabswelto ng korte si CCC dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Samantala, pinuri ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla ang matiyagang pagtrabaho ng prosecution team kaya nahatulan ang akusado.

“By nature, every parent is expected to shield their child against harm, abuse or any form of exploitation and a parent who does otherwise will face the full extent of justice,” ani Secretary Remulla. TERESA TAVARES