Home METRO Mister huli sa pagbebenta ng baril, granada at droga

Mister huli sa pagbebenta ng baril, granada at droga

AURORA, Isabela – Sa kulungan ang bagsak ng isang mister matapos na mahuli sa pagbebenta ng baril, granda at nasamsaman pa ng illegal drugs sa Purok 2 Brgy. Bagong Tanza, Aurora, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Samuel Lopez, hepe ng Aurora Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang suspek ay kinilalang si alyas “Jake” na nahuli dahil sa pagbebenta ng hindi lesensyadong baril at mga bala sa isang nagpanggap na poseur buyer.

Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) unit ng Magnum 357 revolver na may kasamang apat na bala ng kaparehong calibre; Isang (1) piraso ng genuine Php1,000.00 Peso Bill (buy-bust money); Siyam (9) na piraso ng Isang Libong Pisong boodle money; Isang (1) piraso ng Granada; Isang (1) unit ng itim na keypad Selpon; Isang (1) piraso ng itim na synthetic leather bag; Isang (1) laminated LTO; Isang (1) piraso ng selyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu(possession) at Isang (1) unit ng pulang Honda TMX 125 na may plaka at sidecar.

Ayon kay PCol. Bauding, napakalaking tulong ang ganitong operasyon ang paigtingin ang kampanya laban sa Loose Firearm kasabay ng pasasalamat nito sa hanay ng kapulisan sa matagumpay na operasyon.

Nahaharap ang suspek sa apat na kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), R.A. 9516 (Unlawful, manufacture, sale, acquisition, disposition, importation or possession of explosive or incendiary device, BP 881 na may kaugnayan sa COMELEC Resolution No. 11067 (Omnibus Election Code), at paglabag sa Section 11 ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002. Rey Velasco