MANILA, Philippines – Isang lalaki ang namatay makaraang barilin ng isang rider habang lulan ng motorsiklo sa Alfonso, Cavite
Kaagad na namatay ang biktima na si Ariel Dingco y Arguellas, 52, residente ng Brgy. Kaytitinga 1, ng nasabing bayan dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan.
Inilarawan naman ang suspek na sakay ng isang kulay pula na XRM na motor na nakasuot ng kulay orange na jacket na tumakas sa direksiyon ng Magallanes, Cavite.
Ayon sa report, alas-5:40 kamakalawa ng hapon nang dikitan siya ng suspek habang sakay ng minamaneho nitong motor na kulay itim na Yamaha MIO 125, pauwi sa kanilang bahay habang binabagtas ang naturang kalsada hanggang sa dumating at dinikitan din ng isang motorsiklong XRM at dito sunod-sunod na pinaputukan ng hindi nabatid na kalibre ng baril ang biktima.
Inaalam pa kung ano ang motibo sa pamamaril habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon at ang backtracking ng pulisya sa Closed Circuit Television (CCTV) sa dinaanan ng suspek at pagkakilanlan nito. MARGIE BAUTISTA