Home ENTERTAINMENT Ina ni ice, pumanaw na!

Ina ni ice, pumanaw na!

Manila, Philippines- Pumanaw na nitong June 27, Biyernes ganap na 7:54 ng umaga si Mommy Caring.

Ito ang ibinahagi ng kanyang anak, ang singer-songwriter na si Ice Seguerra sa Facebook.

Ipinost ni Ice ang larawan nila ng butihing ina kasama ang asawang si Liza Diño-Seguerra at kapatid na si Juan Carlos Miguel.

Hindi binanggit ni Ice ang sanhi ng pagkamatay ni Mommy Caring.

Wari’y nagbigay ng tribute ang dating child performer sa kanyang ina.

Pinuri ni Ice ito na kahit may mga sarili na silang pamilya’y hindi nawala sa kanyang tabi ang ina.

Tinawag niya itong protector niya, rock, guro at iba pa na tinanggap siya nang buong buo kung anuman at sinuman siya.

Mommy Caring made sure she was always present at Ice’s every gig or show.

Hindi rin daw ito nakakalimot magpadala ng pagkain at masahihin ang kanyang nananakit na ulo.

“I’ll never fail you, promise!” pangako sa ina na kapiling na ngayon ang kanyang ama.

Bumaha naman ng pakikiramay ang FB post ni Ice.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pagdadalamhati sa mga naulila ni Mommy Caridad Seguerra. Ronnie Carrasco III