Home ENTERTAINMENT Sarah at isang politiko, may ‘something’?

Sarah at isang politiko, may ‘something’?

Manila, Philippines- Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ni Sarah Lahbati ang DM o direct message na ipinadala ng isang reporter sa kanya.

Gusto sanang tanungin ng reporter si Sarah if there’s truth na may karelasyon na ito umano.

Balita kasing hindi basta-basta ang nauugnay sa estranged wife ni Richard Gutierrez.

Sarah is being linked to Councilor Marty Romualdez of Tacloban City.

If his name rings a bell, anak siya ni House Speaker Martin Romualdez.

Hindi lang basta may pedigree si Marty.

Guwapo rin daw ito at nag-aral pa sa Amerika.

Ang tanong–si Marty ba ang sagot ni Sarah kay Barbie Imperial na nali-link naman kay Richard?

Masasabi na bang: “It’s a tie!”!? Ronnie Carrasco III