Home ENTERTAINMENT Ina ni Kathryn, finollow-in-unfollow ang ‘jowa’ ng anak!

Ina ni Kathryn, finollow-in-unfollow ang ‘jowa’ ng anak!

Manila, Philippines- Nagtataka ngayon ang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo sa ginawa ng kanyang ina na si Mommy Min.

Ang siste, finollow ni Mommy Min si Lucena City Mark Alcala sa Instagram.

Si Mark ang nabalitang kasintahan ngayon ni Kathryn.

Ito’y ayon na rin kay Ogie Diaz sa isang recent episode ng kanilang online show.

Bale ba, ilang oras pa lang finollow ni Mommy Min ang batang mayor ay in-unfollow din niya ito.

Hinahanapan tuloy ng dahilan ng mga netizens ang pag-follow-unfollow ng celebrity mom sa sinasabing boyfriend ng kanyang anak.

As far as the netizens are concerned, inuurutan nila si Kathryn na huwag nang pakawalan si Mark kesa mapunta sa ibang babae.

Tinawag din nilang “pakialamera” ang ina nito pagdating sa personal na buhay ng anak.

Kathryn recently marked her 29th birthday. Ronnie Carrasco III