Home NATIONWIDE Ina ni VP Sara babyaheng The Hague

Ina ni VP Sara babyaheng The Hague

Kumpirmadong pupunta sa The Hague si Elizabeth Zimmerman, ina ni VP Sara Duterte, upang bisitahin si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kahit hindi tiyak kung papayagan siyang makapasok sa detention facility.

Dahil annulled na ang kasal nila ni Duterte, hindi na siya itinuturing na next of kin.

Ang ganitong pribilehiyo ay nasa mga anak nilang sina Sara, Paolo, Sebastian, at kanilang half-sibling na si Veronica.

Hindi pa tiyak kung makakabisita ang iba pang miyembro ng pamilya, lalo na’t may ilang maaaring maantala ang visa bago ang nakatakdang pro-Duterte gathering sa Marso 23.

Isang linggo nang nasa kustodiya ng International Criminal Court si Duterte dahil sa mga alegasyong crimes against humanity kaugnay ng kanyang drug war.

Inilipat na siya mula sa hospital facility ngunit patuloy na mino-monitor ang kanyang kalusugan.

Ayon kay Sara, nanonood siya ng TV ngunit may filter kaya’t hindi siya nakakapanood ng balita.

Nag-alok din siyang magdala ng mga libro, ngunit tinanggihan ito ni Duterte dahil mahina na umano ang kanyang paningin. RNT