Home HOME BANNER STORY Samar at Leyte lubog sa malawakang baha, landslide naitala

Samar at Leyte lubog sa malawakang baha, landslide naitala

MANILA, Philippines – Ilang kalsada sa Samar at Leyte ang isinara noong Huwebes dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa, ayon sa Department of Public Works and Highways.

Sa Taft, Eastern Samar, lubog sa baha ang mga barangay ng Malinao, San Pablo, at Mabuhay, na may lalim na 100 cm, kaya’t hindi madaanan ang kalsada.

Mayroon ding landslide sa Binaloan village na bahagyang humarang sa Wright-Taft-Borongan Road. Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Junction Buenavista-Lawaan-Marabut Road.

Sa Leyte, binaha ang kalsada sa Liberty village, Mayorga (0.40 metro) at Payao village, Villaba (1 metro), dahilan ng pagsasara ng daan.

Samantala, nalinis ng DPWH ang 150-cubic-meter landslide sa San Miguel matapos ang tatlong oras, kaya’t muling nadadaanan ang ruta.

Pinapayuhan ang mga manlalakbay na gumamit ng alternatibong ruta habang patuloy ang clearing operations. RNT