Home NATIONWIDE Ina patay, 4 sugatan sa karambola ng 7 sasakyan sa Nueva Vizcaya

Ina patay, 4 sugatan sa karambola ng 7 sasakyan sa Nueva Vizcaya

256
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang ina habang sugatan naman ang asawa nito at tatlong anak nang araruhin ng isang trak ang anim na sasakyan sa national road sa Sirio Oriwong, Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya nitong Biyernes, Nobyembre 14.

Ayon kay Police Captain Daryl Marquez, Diadi police chief, sangkot sa karambola ang isang truck, utility van, sports utility vehicle, improvised tricycle, tricycle, L300 van at self-loader truck na kargado ng forklift.

Anim sa mga sasakyan ay patungo sa Bagabag, nang makaranas ng mechanical trouble ang self-loader truck na umararo sa mga sasakyan.

Ayon sa drayber, iniwasan niya ang anim na sasakyan ngunit hindi na nito napigilan at inararo pa rin ang mga sasakyan kabilang ang isang kolong-kolong sakay ang babae at pamilya nito.

Idineklarang patay sa ospital ang ina habang ang isa sa kanyang mga anak ay nasa kritikal na kondisyon.

Nananatili rin sa ospital ang sugatan nitong asawa at dalawa iba pang anak.

Isasama ang reklamong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries at damage to property laban sa drayber. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here