Home NATIONWIDE Incumbent MisOr gov ipinadidiskwalipika

Incumbent MisOr gov ipinadidiskwalipika

0
Incumbent MisOr gov ipinadidiskwalipika

MANILA, Philippines – Naghain ang Commission on Elections (Comelec) ng disqualification petition laban kay incumbent Misamis Oriental governor at re-electionist Peter Unabia dahil sa kanyang nurse joke sa isang campaign rally noong Abril 3, 2025.

Inihain ng Comelec Task Force SAFE ang motu propio petition laban kay Unabia sa Office of Clerk of the Commission.

Nag-ugat ang disqualification petition laban kay Unabia sa kanyang biro tungkol sa isang nursing scholarship na pumapabor sa “beautiful women.”

Naniniwala ang komisyon na nilabag ni Unabia ang mga probisyon ng Anti-Discrimination at Fair Campaign Guidelines sa ilalim ng Resolution 11116 nito.

Sa kanyang camapign rally, sinnabi ni Unabia na tanging magagandang babae lamang ang kwalipikado sa nursing scholarhips.

Sinabi pa ng kandidato na ang kondisyon ng lalaking pasyente ay lalong maging malala kung pangit ang nurse na naka-assign para sila ay alagaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here