Home NATIONWIDE Lalaking bumalibag, pumatay sa pusa sa Bulacan, kakasuhan ng AKF

Lalaking bumalibag, pumatay sa pusa sa Bulacan, kakasuhan ng AKF

0
Lalaking bumalibag, pumatay sa pusa sa Bulacan, kakasuhan ng AKF

MANILA, Philippines – Pursigido ang Animal Kingdom Foundation (AKF) na magsampa ng reklamo laban sa lalaking bumalibag sa pusa sa sahig hanggang sa mamatay, sa isang pamilihan sa Meycauayan, Bulacan.

Sa viral video, naglalakad ang lalaki nang bigla na lamang nitong damputin ang pusa at ibalibag ito sa lupa nang dalawang beses.

Matapos nito ay naglakad ang lalaki na parang walang nangyari, habang tulala naman ang mga nakakita sa pangyayari.

Hindi nahabol ang lalaki dahil sinubukan pa ng mga tao na i-revive ang pusa.

“Ayon sa ating Animal Welfare Act, ‘pag namatay yung hayop na naging biktima ng pagmamaltrato o pang-aabuso ay mas mataas ang penalty nito na umaabot sa dalawang taon o multa hanggang P100,000,” sinabi ni AKF Program Director Heidi Marquez, sa panayam ng GMA News.

“Ang importante kasi diyan ay sync spay and neuter. Hayaan mo we will meet with the market and vendor association at sa kanilang city vet or municipal agriculturist para mag conduct ng education campaign at magkaroon ng rabies vaccination at saka pagkakapon ng pusa,” dagdag ni Marquez. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here