Home NATIONWIDE Mga cardinal pipili na ng petsa ng conclave sa paghalal ng bagong Santo Papa

Mga cardinal pipili na ng petsa ng conclave sa paghalal ng bagong Santo Papa

0
Mga cardinal pipili na ng petsa ng conclave sa paghalal ng bagong Santo Papa

VATICAN – Kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis, ang mga red-hatted cardinals ay inaasahang pipili ng petsa para sa conclave na maghalal ng bagong pinuno ng 1.4 bilyong Katoliko sa mundo, kasunod ng pagkamatay ni Pope Francis.

Nagtipon-tipon sa Vatican ang dose-dosenang mga tinaguriang “Prince of the Church” mula sa buong mundo mula nang mamatay ang 88-anyos na Argentine pontiff noong Abril 21.

Ngunit sa ngayon ay kakaunti ang mga pahiwatig kung sino ang susunod nilang pipiliin.

Inihatid sa huling hantungan si Francis noong Sabado na dinaluhan ng 400,000 katao sa St. Peters Square kabilang ang royalty, world leaders at ordinaryong pilgrims.

Nagtipon din ang napakaraming tao noong Linggo upang tingnan ang kanyang marmol na libingan sa Santa Maria Maggiore Basilica sa Roma, matapos ang ‘pope of the poor’ ay nagpasyang ilibing sa labas ng mga pader ng Vatican.

Sinabi ni Ricardo Cruz, 44, isang data at artificial intelligence specialist na pumunta sa puntod ni Francis noong Linggo, na bilang isang Pilipino ay umaasa siyang ang susunod na papa ay mula sa Asya, ngunit bilang isang Katoliko umaasa lamang siyang pipiliin ng mga cardinal ang “tamang papa”.

Ang mga cardinal ay nagdaos ng mga pangkalahatang pagpupulong mula noong namatay si Francis upang gumawa ng mga desisyon tungkol sa libing at higit pa.

Nitong Lunes, isinagawa ang kanilang ikalimang pulong, kung saan malamang na mag-ayos sila ng petsa ng conclave. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here