Home OPINION INDAY SARA VS P17B PATONG SA DEPED PROJECTS

INDAY SARA VS P17B PATONG SA DEPED PROJECTS

147
0

HUMIGIT-KUMULANG na sa 60 ang kakandidatong senador samantalang may 50 ring kakandidato sa Kamara mula sa mga party-list.

Magmumula sa Miyerkules pa lang matatantiya ang kabuuang bilang naman ng mga kakandidato bilang kongresman pero inaasahang doble ang bilang ng mga ito sa 253 na pwesto, bukod sa 63 pwesto para sa party-list.

Sa kabuuan, 18,280 ang pwestong pupunan ng mga kandidato mula sa municipal councilor hanggang sa mga senador, kasama ang mga miyembro ng parliament ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao at party representatives ng BARMM.

Habang may filing ng mga certificate of candidacy,  bigla nating naalaala ang pagbubunyag ni Vice President Sara Duterte ukol sa iskam sa mga proyekto sa paggawa ng mga bagong gusali at pag-repair ng mga nakatayong gusali ng Department of Education.

Noong 2023, may P5 bilyon para sa nasabing mga proyekto at halos ganito rin para sa taong 2024.

Makaraang maaprubahan ang mga iyon, mabilis na nagsitakbuhan ang ilang kongresman kay Inday Sara para hingin ang kanilang porsyento sa mga proyekto dahil sila umano ang nagtulak para maaprubahan ang mga ito.

Nang hindi pumayag si Inday Sara, aba, nagpatong umano ang mga kongresman ng P10 bilyon para sa 2023 at P17 bilyon naman para sa 2024 ngunit wala na sa kamay ni Inday Sara bilang Secretary of Education.

Ayon kay Inday Sara, ito ang dahilan kung bakit nagbitiw na siya bilang Education Secretary at ayaw na niyang maulit ang mga ito para sa 2025.

Matanong lang natin, sino-sino ba ang mga kongresman na nanghingi ng komisyon o balato sa mga DepEd project na ito?

Sino-sinong kongresman ang mga nagdagdag ng P10B at P17B para sa bilyon-bilyong hindi maintindihang dahilan at isisi kay Inday Sara kung may palpak sa mga ito?

Para sa mga mahahalal na kongresman sa 2025, mauulit din kaya ang mga pangyayaring ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here