Home NATIONWIDE Index crime rate bumaba sa 12,937 kaso mula Enero ‘gang Mayo 17

Index crime rate bumaba sa 12,937 kaso mula Enero ‘gang Mayo 17

MANILA, Philippines – Bumaba ang index crime rate sa buong bansa sa 12,937 kaso mula Enero hanggang Mayo 2024, iniulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes, Hunyo 4.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo, ang index crime volume mula Enero 1 hanggang Mayo 17 ngayong taon ay 18.30 percent na mas mababa, o 2,897 kaso na mas mababa kumpara sa 15,834 na naitalang crime incidents sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Aniya, ang pagbaba ay dahil sa pinalakas na anti-crime programs.

Kabilang sa index crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping/carjacking, habang ang non-index crimes ay ang paglabag sa mga special laws o ordinansa. RNT/JGC