Home METRO Rider patay sa banggaan sa Quezon

Rider patay sa banggaan sa Quezon

MANILA, Philippines – Patay ang 27-anyos na motorcycle rider habang sugatan ang isa pa nang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Sariaya, Quezon.

Ayon sa Quezon police, binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ni Michael Villamor, 27, ang bahagi ng eco-tourism road sa Barangay Manggalang Kiling bandang 10:30 ng gabi ng Lunes, nang makabanggaan nito ang isa pang motorsiklo na may sidecar na minamaneho ni Ronicon Reyes.

Nagtamo ng pinsala sa katawan ang dalawang motorista na agad dinala sa Quezon Medical Center.

Nasawi si Villamor habang ginagamot.

Sa kabila nito, walang nakitang driver’s license mula sa dalawang rider. Wala ring dokumento na maipakita para sa kani-kanilang sasakyan.

Wala rin umanong plaka ang motorsiklo ni Reyes.

Hindi naman binanggit kung may suot na helmet ang nasawi.

Pumayag na lamang na mag-areglo ang dalawang partido. RNT/JGC