Home NATIONWIDE Suplay para sa BRP Sierra Madre, inagaw ng China sa airdrop mission

Suplay para sa BRP Sierra Madre, inagaw ng China sa airdrop mission

Larawan mula sa Atin Ito Coalition

MANILA, Philippines – Naglabas ng video ang Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes, Hunyo 4, na nagpapakita ng pag-agaw ng mga Chinese agent sa mga suplay na para sa mga tropang Pinoy sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa isang airdrop mission.

Ayon sa AFP, gumamit ng mapanganib na maneuvers ang mga Chinese agent na ito.

“Because of that intent of the Chinese Coast Guard to get our supplies they came very very close to the BRP Sierra Madre. From the point of view of our soldiers, this pose a danger, a threat dahil napakalapit na nila,” ani AFP chief General Romeo Brawner Jr.

Samantala, naglabas din ng video ang Philippine Navy na nagtatanggol sa ulat ng Chinese state media na tinutukan umano ng mga tropang Pinoy ang mga Chinese agent noong Mayo 19.

“That is why there were videos, images of our soldiers carrying their guns but they, again I’d like to emphasize, they did not point their guns to the Chinese. Meron po tayong sinusunod na rules of engagement. Alam po ng mga sundalo natin yan,” dagdag ng PN.

Batay sa video na ibinigay ng Philippine Navy, ang mga Chinese agent ay lumapit ng mga lima hanggang 10 metro sa BRP Sierra Madre nang i-airdrop sa lugar ang ikalawa sa apat na batch ng mga suplay.

Ang mga Chinese agents, na pinaniniwalaang mula sa China Coast Guard o People’s Liberation Army, ay gumamit ng dalawang rigid hull inflatable boats habang ang mga Filipino ay gumamit ng dalawang rubber boat para i-pick up ang mga suplay.

Habang nakikipag-agawan sa mga suplay, isa sa mga Pinoy ang maririnig sa video na nagsabing nahulog sa bangka ang isa sa mga Chinese agent.

Maririnig din ang dalawang kampo na nagsisigawan sa isa’t isa.

“Unfortunately one of the packages was intercepted by the Chinese,” ani Brawner.

“As you saw in the video when the second package resupply package was dropped, they went to the area to recover it despite the fact that our boats were already there so nakipagagawan pa sila, inunahan pa tayo,” dagdag pa niya. RNT/JGC