Home NATIONWIDE Indikasyon ng ibang grupong nag-udyok sa pamamaril ng menor sa Tacloban, pinag-aaralan...

Indikasyon ng ibang grupong nag-udyok sa pamamaril ng menor sa Tacloban, pinag-aaralan ng PNP

2
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Philippine National Police (PNP) na kasama sa inaaral ng kanilang imbestigador ang ilang indikasyon na mayroong ibang grupo na puwedeng mag-udyok o nagtulak sa pamamaril ng dalawang menor de edad sa Tacloban City.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Colonel Allen Rae Co, tagapagsalita ng PNP na tutukan ng imbestigasyon ang posibilidad na may grupong sinalihan ang dalawang menor de edad para gawin ang pamamaril. na nagresulta ng pagkasawi ng tatlong katao habang 20 naman ang nasugatan sa nsidente.

Ayaw namang mag-komento ni Co sa tanong kung ang sinasabing di umano’y online games na sinalihan ng isang alleged shooter ang posibleng nag-udyok sa kanya na gawin ang pamamaril.

“That’s possible, sir, but I cannot comment and of course lalo na po to name iyong mga games or ano na ito na para po to not unduly prejudice iyon pong public opinion against this ano baka po magkamali tayo sa mga games or mga ano na ito but suffice it to say early indications po nagsasabi po na heavily influenced nga po iyong actions nila by online content,” ang pahayag ni Co.

Sa kabilang dako, alinsunod aniya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, agad aniyang ipinag-utos ni PNP Chief Jose Melencio C. Nartatez Jr., komprehensibong pagrerebisa sa lahat ng kaganapan kabilang na ang umiiral na security protocols sa mga eskuwelahan.

“Ito pong access control and entry procedures, we are recommending na iyon pong mga schools na malalaki, na marami pong ingress at egress ay i-limit na lang po sa isa o dalawa para po mas ma-monitor natin ang mga pumapasok,” ani Co.

“Also, iyong anti-bullying policies, sinasabi po na puro sa papel lamang—by the way, sinabi po nila, this is connected with bullying, kanila pong claim iyan; hindi po namin confirmed pa iyan. Sinasabi po nila, iyong isa raw po ay pinagtatawanan iyong haircut niya, the other one ay siguro dahil maliit siya, pero unconfirmed po ito, sa kanila lang po nanggaling ito,” aniya pa rin.

Palalakasin din aniya ang coordination mechanism sa pagitan ng mga law enforcement, barangay at maging sa mga eskuwelahan.

“And isa pa po ay iyong we are planning to conduct simulation exercises kagaya po ng earthquake drills natin na kung saan ay matuturuan po ang ating mga estudyante at ating mga guro at lahat po kung paano po mag-react, kung ano po ang gagawin in crisis situation to include active shooter situation,” ang pahayag ni Co. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here