Home NATIONWIDE Kaso ng land disputes ng mga lupang agraryo, ipinanawagan ng mga magsasakaya...

Kaso ng land disputes ng mga lupang agraryo, ipinanawagan ng mga magsasakaya kay PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Mariing nanawagan ang grupo ng mga magsasaka kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad resolbahin ang mga kaso ng land disputes ng mga lupang agraryo ng mga sakahan sa mga rural development organization.

Ayon kay Magsasaka Party-list Chairperson  Argel Cabatbat hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin kino-convened ni Pangulong Marcos ang Presidential Agrarian Reform Council (PARC) ang PARC ay ang highest policy making at coordinating body ng Comprehensive Agrarian Reform  Program (CARP).

Ginawa ni Cabatbat ang pahayag sa 38th anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Law (Republic Act No. 6657) at nanawagan sa Punong Ehekutibo  sa agarang pagresolba ng mga kaso ng mga lupang agararyo na may mga usapin.

Bukod kay Cabatbat nanawagan  rin si Federation of Free Farmers  (FFF) Board Chairperson Leonardo Montemayor na dapat kagyat na resolbahin ang pamamahagi ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa may 500,000 hectares ng private agricultural lands na binigyang ng notices of compulsory acquisition ng Department of Agrarian Reform (DAR) nitong June 2014.

Kaugnay nito sinabi din ng dalawang lider magsasaka na dapat bigyan ng kagyat na solusyon ng pamahalaan ang pagresolba sa  daan daang kritikal na kaso ng agararian at  land disputes na nakakaapekto sa  libo libong  rural workers sa buong bansa.

Hiniling din nila ang pagsasailalim sa 2 millions hectares ng public lands, government reservations at natitira pang private  agricultural lands  na dapat mapasailalim sa  agrarian reform.

Sinabi pa ni Cabatbat at Montemayor na  dapat bigyang diin ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatupad sa condonation ng land  amortization debts ng may 600,000  ARBs  sa ilalim ng New Agrarian Emancpation Act  (R.A. No. 11953)  noong July  2023.

Sinabi pa ni Cabatbat  na dismayado ang mga magsasaka sa umano’y mabagal na pamamahagi ng lupa ng Department of Agrarian Reform (DAR) at ng kasalukuyang administrasyon sa mga magsasakang walang lupa sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa bansa.

Ayon pa kay Cabatbat mabagal ang aksyon ng pamahalaan at DAR para sa pagpapatupad ng CARP at nabigo ang programa para sa libreng pamamahagi ng  lupa sa mga magsasaka. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here