Home NATIONWIDE ‘Innovative efforts’ ng Comelec para sa Eleksyon 2025 pinuri ng CHR

‘Innovative efforts’ ng Comelec para sa Eleksyon 2025 pinuri ng CHR

MANILA, Philippines- Nakatanggap ng pagkilala at papuri ang Commission on Elections (Comelec), araw ng Martes para sa ilang “innovative efforts” nito para hikayatin ang mas maraming Pilipino na bumoto sa midterm polls, araw ng Lunes.

Sa ngayon ay hindi pa makapagpalabas ang Komisyon ng opisyal na pigura ukol sa voter turnout para sa May 12 poll subalit nauna nang sinabi ni Comelec chairman George Garcia na ang bilang ng mga botante na matapang na sinagupa ang mainit na panahon para lamang makaboto ay hindi inaasahan.

Nauna rito, kinilala naman ng Commission on Human Rights (CHR) sa isang post-election statement nito ang ilang “innovations” na ipinatupad ng Comelec para sa nasabing election cycle, partikular na ang mall voting at ‘early voting mechanism.’

Sa ‘early voting mechanism’ ay pinapayagan ang senior citizens, PWDs, at mga buntis na bumoto ng maaga, alas-5 ng umaga o dalawang oras bago pa bumoto ang general population.

“The CHR appreciates the innovation of early voting for persons with disabilities, older persons, and pregnant women,” although it noted that these were “undermined by poor accessibility in many polling centers,” ayon sa ulat.

Samantala, pinuri naman ng CHR ang matagumpay na partisipasyon ng mga miyembro ng Badjao Indigenous community sa Barangay Manapa, Buenavista, Agusan del Norte bilang isang “notable gain.”

“This milestone underscores the importance of local and national efforts to dismantle barriers to indigenous peoples’ political participation,” ayon sa CHR.

Pinuri rin ng CHR ang Comelec panels na pinuna ang vote buying, fake news, at misogynistic at discriminatory remarks na nauwi sa pagpapalabas ng ilang show cause orders laban sa mga kandidato.

“With Comelec Task Force SAFE, the landscape of the election has been changed. Candidates are now required to use respectful language and to act in a manner that gives due regard to the human rights and dignity of all,” ayon sa CHR.

Subalit, ang CHR at maging ang ibang election watchdogs, ay napansin at tinawagan ng pansin ang ilang isyu na nakagambala sa midterm polls.

“Election-related violence continued to be a pressing concern… Incidents of ambushes and armed confrontations involving political actors were documented in [some] regions, threatening the right of voters to participate in free and secure elections,” ang sinabi ng CHR.

Pinuna naman ng International Observer Mission (IOM), isang delegasyon ng human rights advocates, ang “pinatinding” election-related violence at paglabag sa mga karapatan.

Tinukoy ang report mula sa partner nito na Vote Report PH, sinabi ng IOM na nakapagtala ito ng 1,445 insidente ng red-tagging na may kaugnyan sa midterm polls.

“We’ve observed a disturbing pattern: escalating violence, red-tagging of candidates and supporters, and coordinated disinformation against progressive voices,” ang sinabi ni IOM commissioner Colleen Moore.

Inihayag pa rin ng IOM na may “severe voter disenfranchisement” dahil sa hindi gumaganang automated counting machines (ACMs).

“These aren’t just technical glitches, we are seeing failures that are disenfranchising thousands of Filipinos at a critical democratic moment,” ang sinabi naman ni Commissioner Lee Rhiannon, isang dating Australian Senator. Kris Jose