Home NATIONWIDE Insentibo sa EV, dadagdagan ni Gatchalian vs imported oil

Insentibo sa EV, dadagdagan ni Gatchalian vs imported oil

1
0

MANILA, Philippines – Naghain ng isang panukalang batas si Senate President Win Gatchalian na naglalayong pabilisin ang paglipat ng bansa sa electric vehicles (EVs) sa pamamagitan ng dagdag na mga insentibo, bilang hakbang upang mabawasan ang pag-aangkat ng langis.

“Kinakailangan nating putulin ang pagdepende ng ating ekonomiya sa imported na langis sa pamamagitan ng pagpapabilis ng paglipat ng sektor ng transportasyon sa EV,” pahayag ni Gatchalian,

Binigyan-diin ng senador na ang pagtaas ng presyo ng krudo at refined petroleum sa pandaigdigang pamilihan ay isa sa mga pangunahing dahilan ng matitinding lomobo ang presyo ng gasolina sa bansa.

Layon ng Senate Bill No. 2270 na amyendahan ang Republic Act No. 11697 o ang Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA), na pangunahing isinulong din ni Gatchalian.

Sa ilalim ng panukala, palalawigin mula walo hanggang 12 taon ang bisa ng mga fiscal at non-fiscal incentives, at ipapataw ang zero percent import duty sa mga electric vehicle, gayundin sa mga kaugnay na kagamitan at imprastraktura.

Isinusulong din ng panukala ang dagdag na non-fiscal incentives para sa mga gumagamit ng EV, kabilang ang libre o may diskwentong parking fees, libreng access sa mga nakalaang EV expressway lanes, at Buy Now, Register Later program.

Itataas din ng panukala sa 20% ng kabuuang parking spaces ang minimum na alokasyon para sa EV-exclusive parking slots, na may dagdag na 5% kada limang taon.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang mga pagkaantala sa permitting ang isa sa mga dahilan ng mabagal na paglaganap ng EV charging stations sa bansa.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here