Home ENTERTAINMENT Zeinab, namakyaw daw ng BTS concert tickets, pumalag!

Zeinab, namakyaw daw ng BTS concert tickets, pumalag!

2
0

Manila, Philippines – Pinaratangan ang content creator na si Zeinab Harake ng pamamakyaw ng tickets para sa BTS concert na gaganapin sa bansa.

Bale ba, this is the same accusation levelled against Vice Ganda.

Nag-hoard o namakyaw daw ang It’s Showtime host ng 50 tickets!

Sa kaso ni Zeinab, kahit nasa Europe siya kasama ang husband niyang si Ray Parks Jr. ay hindi napigilang mag-react ito.

Umaasa si Zeinab na magbubunga ng baby ang European trip nila ni Ray.

Buong ningning na post niya sa X: “Fake news ito!”

Galing sa isang BTS fan ang nasabing paratang.

Ani Zeinab: “Tama na sa mga fake news n’yo, guys. As in favorite n’yo talaga ako lately? Hehehe!

“Kung puwedeng bumili ng 50 tickets, automatic ipamimigay ko pa ‘yan sa mga legit na ARMY (BTS) fans. Kaso ‘di po puwede ‘yon!”

Paano daw mangyayaring mas uunahin pa ni Zeinab ang ticket hoarding?

Pahabol niya: “Nasa Europe ako, gumagawa ng bata! BRB (be right back) po. Love, love!”

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang ginawang pag-call out ni Zeinab sa mga faney.

Sey ng mga ito: “Ganito dapat, naki-clear agad. ‘Yung iba riyan, may pa-touch some grass pang nalalaman!”

“Thank you for the clarification po! Huhuhu! We’re just really mad at those influencers and artists who aren’t even real fans. Continue doing baby #3!”

“Thank you po sa pag-clarify. Sige po, gawa po kayo ng basketball team. Good luck po!”

Isang koponan ng basketball, makaya kaya ‘yon ni Zeinab?!

Kunsabagay, the more, the merrier! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here