Home HOME BANNER STORY Insidente sa Ayungin ‘di armadong pag-atake pero ilegal – PBBM

Insidente sa Ayungin ‘di armadong pag-atake pero ilegal – PBBM

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagama’t hindi naman armadong pag-atake ang pinakabagong insidente sa Ayungin Shoal, malinaw na ito’y “deliberate and illegal action” na ginawa ng pwersa ng mga intsik.

“It’s not armed, walang pumutok. Hindi tayo tinutukan ng baril but it was a deliberate action to stop our people. But in the process of that, kinuhanan tayo they boarded Philippine vessel and took the equipment from the Philippine vessel,” ang sinabi ng Pangulo sa mga mamamahayag.

“Although there were no arms involved, nonetheless it was still a deliberate action and it is still essentially an illegal action that was taken by the Chinese forces,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ng Chief Executive na kailangang may gawin pa ang bansa sa halip na iprotesta ang naging aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Matatandaang sinabi ng Malakanyang na hindi nito itinuturing na armed attack ang pinakabagong insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Ayungin Shoal.

Ito ang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng National Maritime Council matapos ang ginawang pagpupulong sa Malakanyang nang tanungin kung maituturing ng pamahalaan na armed attack ang panibagong insidente sa Ayungin Shoal. Sagot ni Bersamin, maaring hindi lamang nagkaintindihan o aksidente ang nangyari.

Napaulat na isa sa mga sundalo ang naputulan ng daliri nang umatake ang Chinese Coast Guard sa barko ng AFP.

Ayon kay Bersamin, inirekomenda ng konseho kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ianunsyo ang rotation at reprovision missions sa BRP Sierra Madre na mananatiling routinary at regular na naka-schedule.

Hindi aniya maikakaila na nanatili ang banta sa West Philippine Sea.

Sinasabing ito na ang ikalawang beses na nagpulong ang National Maritime Council kasunod ng panibagong insidente ng pangha-harass ng China sa tropa ng AFP sa Ayungin shoal. Kris Jose