Home METRO Interns, ex-OFWs tinanggap ng Navotas LGU

Interns, ex-OFWs tinanggap ng Navotas LGU

MULI na namang pinaunlakan ng lokal na pamahalaang Navotas at tinanggap ang Navoteño youth na nagnanais magtrabaho at magkaroon ng karanasang makapaglingkod sa lungsod, maging ang mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng ikabubuhay.

Nasa 22 benepisyaryo ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang maglilingkod sa pamahalaang lungsod mula July 2 hanggang November 29, 2024 kung saan, 20 ay college graduates at dalawa ang nagtapos sa senior high school.

Layon ng programa na magbigay ng oportunidad na makapagbigay ng trabaho sa Navoteños na may edad 18-35 na nagtapos sa 2 o 4 na taong tertiary course o nakumpleto ang K-12 curriculum.

Samantala, 24 Navoteño naman ang naka enroll sa OFW Emergency Employment Program.

Ang mga pasadong aplikante ay mga dating OFWs edad 20-55 ay mga pinauwi at ang iba ay hindi na renew ang kontrata sa ibang bansa mula 2022.

“Public service is a noble calling, and I am grateful to all who answer it. Our apprentices and returning OFWs bring fresh perspectives and invaluable experience to our city government. I am glad to see them join our ranks through these programs,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“In Navotas, we believe in the power of opportunity. By investing in our youth and supporting our returning OFWs, we not only give them the means to earn their livelihood but also to harness their potential to contribute to the growth and stability of our city,” dagdag pa ng alkalde.

Ang mga benepisyaryo ng NGAP at OFW Emergency Employment Program ay tatanggap ng P610 sahod kada araw na pinondohan ng Navotas Gender and Development Focal Point System.(R.A Marquez)