Home NATIONWIDE Interpol red notice vs Zaldy Co posibleng ilabas ngayong linggo o sa...

Interpol red notice vs Zaldy Co posibleng ilabas ngayong linggo o sa susunod na linggo – Remulla

121
0

MANILA, Philippines – Nasa proseso na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagkuha ng International Criminal Police Organization (Interpol) red notice laban sa dating mambabatas na si Zaldy Co.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ang Interpol red notice ay posibleng ilabas ngayong linggo o sa susunod na linggo.

“Si Zaldy Co, nag-apply na kami ng red notice. I think we should get the red notice anytime this week or next week,” sinabi ni Remulla sa panayam ng DZBB.

Si Co, ayon kay Remulla, ay nasa Portugal.

Noong Nobyembre 2025, inilabas ang blue notice ng Interpol laban kay Co na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects.

Ayon sa Interpol, ang blue notice ay para sa pagkolekta ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng isang tao, lokasyon, o aktibidad na may kaugnayan sa criminal investigation.

Inilabas ang arrest warrant laban kina Co at 17 iba pa kabilang ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga direktor ng Sunwest Corp. kaugnay pa rin sa maanomalyang flood control projects.

Ang mga reklamong isinampa ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang P289 milyong flood control project sa Oriental Mindoro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here