Home NATIONWIDE Int’l human rights group, Kontra Daya sa Comelec: Hybrid elections ikasa

Int’l human rights group, Kontra Daya sa Comelec: Hybrid elections ikasa

208
0

MANILA, Philippines- Hinimok ng isang international human rights group at poll watchdog na Kontra Daya ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa sa susunod ng hybrid election, sa gitna ng mga isyu na umusbong sa midterm polls ngayong taon.

Inilunsad ngayon ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) ang mga resulta ng kanilang International Observer Mission 2025, kung saan binanggit nila ang mga pagbili ng boto, karahasan na may kaugnayan sa halalan, at mga aberya sa mga automated counting machine (ACM).

Sinabi ni Peter Murphy, chairperson ng ICHRP Global Council na nakapagtala ang IOM ng 111 kaso ng vote-buying, 51 kaso ng voter disenfranchisement at 30 kaso ng election violence bukod sa iba pa.

Bunsod nito, sinabi ng IOM sa kanilang ulat na ang bansa ay hindi naabot ang international standards para sa malaya at patas na halalan.

Inilahad din ni Murphy ang mga kaso ng malfunctioning ng ACMs, 17.03 milyon overvotes at pre-marked ballots.

Hindi rin sapat ayon kay Murphy ang pagsasampa ng disqualification cases at show cause orders laban sa mga kandidato dahil sa vote-buying at abuse of state resources sa panahon ng kampanya.

Ayon naman kay IOM Commissioner Dr. Andrea Mann, inilarawan ang 2025 midterm elections sa bansa bilang “neither free nor open” dahil sa “massive scale of problems.”

Kaya naman sinabi ni Prof. Danilo Arao, Kontra Daya covenor na panahon na para pairalin ng Comelec ang hybrid type ng eleksyon.

Sinabi ni Arao na naalarma sila sa ulat ng disenfranchisement, hindi nakabotong botante dahil nawawala ang mga pangalan at ballot rejections.

Binigyang-diin din niya na ang mga ACM ay ipinatupad “nang walang transparency o pampublikong pagsisiyasat” at may “naantala” na mga resulta, pati na rin ang mga pinaghihinalaang pagbabago sa software.

Bilang karagdagan, sinabi ni Arao na ang pagkakaroon ng mga transparency server, mga pagkakaiba sa mga digital na sertipiko, at higit sa 15,000 mga presinto na nag-uulat ng “mga may sira o duplicate na mga file ay lalong sumisira sa tiwala ng publiko.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here