Home NATIONWIDE Investment, infra at anti-poverty agenda pinaigting ni PBBM

Investment, infra at anti-poverty agenda pinaigting ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – PINAIGTING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsisikap na i-promote ang investments, palakasin ang imprastraktura at isulong ang anti-poverty agenda ng gobyerno sa pamamagitan ng ‘series of engagements’ ngayong linggo.

Kabilang sa mga aktibidad ng Pangulo ang mga pagpupulong kasama ang foreign investors, business leaders, foreign diplomats, government officials, at local communities.

Binigyang-diin ng kanyang week-long engagements ang pagtugon ng administrasyon sa paglago ng ekonomiya, paglikha ng trabaho, at mas malakas na international partnerships.

Sa katunayan, sinimulan ng Pangulo ang linggo sa pamamagitan ng pag-inspeksyon sa Marikina River Linear Park at Marikina Centralized Materials Recovery Facility sa Barangay Sto. Niño, Marikina City, araw ng Lunes, binigyang diin ang pagsisikap na paghusayin ang “public infrastructure, strengthen environmental management, at build more resilient communities.”

Pagkatapos nito ay tumuloy ang Pangulo sa Batangas para bisitahin ang Lipa-Malvar (LIMA) Estate at Batangas State University – LIMA Campus, binigyang diin ang kahalagahan na nag-uugnay sa edukasyon at skills development kasama ang pangangailangan ng industriya.

Nakiisa rin ang Pangulo sa first anniversary celebration JERA-AboitizPower Global Technical Center of Excellence, isang technical training facility for engineers at technical professionals sa power sector na matatagpuan sa LIMA Commercial Center sa LIMA Estate.

Binisita rin ng Pangulo ang LIMA Experience Center, kung saan ipinabatid sa kanya ang mga mahahalagang imprastraktura at developments sa LIMA Estate through a diorama.

Nilibot naman ng Pangulo ang LIMA Technology Center, kabilang na ang semiconductor front-of-line operations facility ng Littelfuse Phils., Inc., kung saan nagmamanupaktura ng electronic components at circuit protection solutions na ginagamit sa iba’t ibang industriya.

Nagsagawa rin ito ng pribadong inspeksyon sa proyekto sa San Pablo City, Laguna.

Araw ng Martes, pinangasiwaan ni Pangulong Marcos ang panunumpa sa tungkulin ni dating senador Emmanuel Pacquiao bilang Kalihim at Lead Convenor of the National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa Palasyo ng Malakanyang.

Pinangunahan din ng Pangulo ang panunumpa sa tungkulin ng nina newly appointed Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Superintendents Andrew Tauli, Jhon Montero, at Rill Sonon sa Palasyo ng Malakanyang, binigyang diin ang pagsisikap na palakasin ang government institutions at paghusayin ang paghahatid ng public service.

Araw pa rin ng Martes nang tanggapin ni Pangulong Marcos ang credentials nina Norwegian Ambassador Kristian Netland at South Korean Ambassador Lee Dong-gy sa hiwalay na seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.

Araw ng Miyerkules, nakipagpulong ang Pangulo sa Private Sector Advisory Council’s (PSAC) Infrastructure Sector Group sa Palasyo ng Malakanyang bilang bahagi ng pagsisikap na palakasin ang public-private cooperation sa infrastructure development.

Dumalo rin ang Pangulo sa Luzon Economic Corridor (LEC) Investment Forum sa Grand Hyatt Manila sa Taguig City, araw naman ng Huwebes para i-promote ang Pilipinas bilang isang strategic destination para sa long-term investments.

Araw ng Biyernes, byaheng Batac City, Ilocos Norte naman ang Pangulo para pangunahan ang mga aktibidad para sa ika-109 birth anniversary ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here