Home NATIONWIDE Birthday wish ng Malakanyang kay PBBM: Good health, patuloy na tagumpay

Birthday wish ng Malakanyang kay PBBM: Good health, patuloy na tagumpay

2
0

MANILA, Philippines – “Good health at patuloy na tagumpay.”

Ito ang birthday wish ng Malakanyang kay Pangulong Ferdinand Ferdinand R. Marcos Jr. na magdiriwang ng kanyang ika-69 taong kaarawan, araw ng Linggo, Setyembre 13, 2026.

Sa press briefing sa Philippine Embassy sa New Delhi, India, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hangad ng Malakanyang na manatiling malusog ang Pangulo at protektado habang patuloy siyang nagtatrabaho para sa mga mamamayang filipino.

Sinabi ni Castro na hindi naman lingid sa kaalaman ng taumbayan na regular ang pagbyahe ng Pangulo sa iba’t ibang lugar sa bansa at sa ibang bansa bilang bahagi ng kanyang tungkulin bilang Pangulo.

“Alam naman natin na laging nagbabiyahe sa lokal man, sa Pilipinas man, sa ibang bansa, laging nagbabiyahe ang Pangulo para sa pagtatrabaho para sa ating mga kababayan,” ayon kay Castro.

Kumpiyansang inihayag ni Castro na karamihan sa mga priority projects ni Pangulong Marcos ay makokompleto bago matapos ang termino nito.

“At ang wish pa rin namin ay sana lahat ng – hindi man lahat, halos lahat ng kanyang nais na gawin para sa ating bansa at sa ating mga kababayan ay maayos, matapos bago matapos ang kanyang termino,” ang tinuran ni Castro.

Nananatili aniyang abala si Pangulong Marcos at nakatuon para isulong ang pag-unlad ng bansa.

Kaya nga, hinikayat ni Castro ang mga filipino na suportahan ang pagsisikap ni Pangulong Marcos para mapanatili ang mga nakamit at mapigilan na maimpluwensiyahan ng misinformation at disinformation.

Binigyang diin ni Castro na ang pagkakaisa ang susi sa tagumpay ng development agenda ng administrasyon.

“Wish din po namin na ‘yung mga nasa dilim at ‘yung mga nasa ‘Team Itim’ ay maliwanagan para maisip nila na ang Pangulo ay kailangan ang tulong ng bawat Pilipino,” ayon kay Castro.

“Bawat isa sa atin ay makakatulong para maiangat natin ang sarili nating bansa. Huwag nang magpabuyo sa mga maling impormasyon at gumagawa lang ng mga maling kuwento para ibagsak ang gobyerno o ibagsak ang pamahalaan,” litaniya nito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here