Home ENTERTAINMENT Investment program na ine-endorse daw ni Aga, fake!

Investment program na ine-endorse daw ni Aga, fake!

Manila, Philippines- Umalma si Aga Muhlach sa tsikang nag-e-endorse siya ng isang investment program kung saan madaling yayaman ang mga Pinoy.

Sa nasabing program, mabilis daw na mababawi agad ng isang prospective investor ang kanyang perang ipinuhunan.

Kapani-paniwala rin ang advertisement nito dahil plakadong-plakado ang boses ng multi-awarded actor ang nagsasalita.

Nang maibahagi naman ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz ang nabanggit na video kay Aga, mariing pinabulaanan ito ng aktor.

Aniya, deep fake news daw ang nabanggit na pang-eengganyo na mamuhunan ang netizens.

Hirit naman ni Mama Loi Villarama, ang co-host ni Ogie sa kanyang online program, artificial intelligence daw ang nagsasalita na nagagaya ang mga detalye ng boses ni Aga.

Nagbabala rin siya na dapat ay maging mapagmasid ang netizens sa kanilang paniniwalaan sa social media.

As of this writing, wala namang ipinapahayag si Aga na legal na aksyong gagawin sa deep fake news. Archie Liao