Home NATIONWIDE IP leaders suportado ng NTF-ELCAC vs Cong. France Castro

IP leaders suportado ng NTF-ELCAC vs Cong. France Castro

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagsuporta ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga indigenous people (IPs) ng Talaingod, Davao del Norte, sa paghahain ng mga ito ng ‘ethics complaint’ laban kay Rep. Francisca “France” L. Castro ng Alliance of Concerned Teachers Party-List o’ ACT Party-List.

Ang katapangang ipinakikita nila Datu Allan Causing, Andigao Agay, at Gusting Dalyak Dausay, na kumakatawan sa Ata-Manobo Tribal Council of Elders and Leaders, ayon sa NTF-ELCAC ay isang hakbang ng mga katutubo upang makamit ang hustisya.

Naniniwala ang task force, bilang lingkod bayan, lalo na miyembro pa ng House of Representatives, na nakahanda dapat ito na makinig sa mga hinaing ng taumbayan lalo na kung hustisya ang kanilang hinihingi, at panagutin ang mga nagkasala.

Ang reklamo ng IPs, para sa NTF-ELCAC ay sa hangaring mapanagot si Castro at 13 pa sa kasong child abuse, sa 14 na menor de edad na mga Lumad na mag-aaral noong November 28, 2018.

Ang aksyon ni Castro noong panahon na iyon, ayon sa mga Lumad elders, ay nalabag ang kanilang mga karapatan, lalo na ang pagiging patas na ipinag-uutos ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Para sa task force, nilabag din ni Castro ang kanyang sinumpaang tungkulin na magsilbi sa publiko nang may katapatan at pananagutan.

“Supporting them is a moral obligation and a necessary step to reinforce the government’s commitment to protecting the welfare and dignity of one of our most marginalized sectors,” ang pahayag ng NTF-ELCAC sa kanilang kalatas.

Ninanais din ng mga Lumad na suspendihin si Castro upang mapangalagaan ang integridad ng Kongreso habang iniimbestigahan ang kanilang reklamo laban sa mambabatas, at ‘di rin makaimpluwensya si Castro sa kanyang mga kabaro.

“In addition to the complaint, there are broader concerns about certain groups, particularly their use of public office and legal protection to advance the agenda of the Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front. These concerns, especially their unapologetic championing of the CNN’s interests both in the legislature and the streets, must also be investigated. The November 2018 incident reflects how deep the grooming and indoctrination of students has become, as they were then convinced to leave their homes and livelihoods to further the political aims of the CPP-NPA-NDF,” paliwanag pa ng task force. RNT