Home NATIONWIDE Parusa ng Tsina, ‘di makaaapekto sa mandato ni Teodoro bilang DND chief...

Parusa ng Tsina, ‘di makaaapekto sa mandato ni Teodoro bilang DND chief – Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na hindi makaaapekto ang ipinataw na parusa ng Tsina laban kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa kanyang mandato.

Binigyang-diin ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na tinutupad ng Kalihim ang kanyang mga tungkulin alinsunod sa batas ng Pilipinas, Saligang Batas, at polisiya ng administrasyong Marcos.

“Ang China ay may sariling batas, may sarili silang polisiya. Gayundin naman po ang Pilipinas,” ayon kay Castro.

Binigyang-diin ni Castro na simpleng tinutupad ni Teodoro ang kanyang mga tungkulin bilang Kalihim ng Department of National Defense (DND).

Winika pa ni Castro na ang ipinataw na parusa ng Tsina kay Teodoro ay hindi makaaapekto sa pagganap nito ng kanyang tungkulin o sa commitment ng gobyerno na protektahan ang soberanya at national interests ng bansa.

“Si Secretary Gibo bilang Defense Secretary ay gumaganap lang sa kanyang tungkulin, sa kanyang mandato na naaayon sa batas, naaayon sa Konstitusyon, at naaayon sa polisiya ng administrasyon,” aniya pa rin.

Nauna rito, pinatawan ng travel ban ng pamahalaan ng Tsina si Teodoro at ang kanyang pamilya dahil umano sa paulit-ulit nitong “iresponsableng mga pahayag” laban sa Beijing.

Sa inilabas na pahayag ng Chinese Foreign Ministry nitong Hunyo 11, sinabi ng China na ang mga naging aksiyon at pahayag ni Teodoro ay nakaaapekto umano sa lehitimong interes ng bansa at sumisira sa relasyon ng China at Pilipinas.

Ayon sa Chinese Foreign Ministry, nagpasya ang Beijing na pagbawalan si Teodoro, ang kanyang asawa, at anak na makapasok sa Mainland China, gayundin sa Hong Kong at Macao.

Bukod sa travel ban, ipinagbabawal din sa mga organisasyon at indibidwal sa China na magkaroon ng anumang transaksiyon, kooperasyon, o iba pang aktibidad kasama si Teodoro at ang kanyang pamilya. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here