Home NATIONWIDE Ipapalit sa Duterte Youth Party-list sa Kamara, dedesisyunan na ng Comelec

Ipapalit sa Duterte Youth Party-list sa Kamara, dedesisyunan na ng Comelec

262
0

MANILA, Philippines – Magpupulong ngayong araw ang Commission on Elections (Comelec) en banc para desisyunan kung sino ang ipapalit sa tatlong nabakanteng upuan sa Kamara na nakalaan para sa Duterte Youth Party-list.

Matatandaang kinansela ng Comelec ang registration ng nasabing party-list dahil sa kakulangan sa publication at hearing — mga kinakailangang proseso para sa akreditasyon ng isang party-list.

Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia, tatalakayin ng Law Department at Supervisory Committee ng Comelec kung sino ang maaaring umupo sakaling maging final at executory ang nasabing desisyon, na kailangan bago maiproklama ng National Board of Canvassers.

Ngunit paglilinaw ni Garcia, kailangan pang hintayin ang pinal na desisyon ng Korte Suprema bago ipatupad ang kanselasyon.

Tiwala rin siya na kakatigan ng Korte Suprema ang desisyon ng Comelec. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here