Home METRO Mayor Vico positibong wala nang hahadlang sa Metro Manila Subway Station

Mayor Vico positibong wala nang hahadlang sa Metro Manila Subway Station

272
0

PASIG CITY — Sinimulan na ang demolition works sa Metrowalk, Ortigas Center, Pasig para bigyang-daan ang pagtatayo ng Metro Manila Subway Station, sa pangunguna ni DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez kasama si Mayor Vico Sotto.

Dahil sa ilang legal na isyu, naantala ang proyekto. Ngunit ngayon, sa pamamagitan ng writ of possession at pagkumpleto ng lahat ng kinakailangang permit, inaasahang wala nang magiging hadlang sa pagpapatuloy ng konstruksyon.

Ayon kay Mayor Sotto, patuloy silang tutulong at gagawin ang lahat ng makakaya upang matiyak na maayos ang proyekto.

“Kung may sumubok pang harangan o idelay pa ang proyekto, naka-ready lang kami rito para tumulong,” aniya.

Binigyang-diin din ni Sotto ang naging papel ni dating DOTr Secretary (ngayon ay DPWH Secretary) Vince Dizon sa pag-aayos ng mga naantalang isyu, kabilang na ang isang concern ng LGU na matagal nang pinag-uusapan ngunit naresolba niya sa loob lamang ng dalawang buwan mula nang maupo.

Pinasalamatan ni Mayor Sotto ang DOTr at iba pang ahensya na naging katuwang sa pagpapatupad ng proyekto. (Maritess Pumaras)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here