Home TOP STORIES Ipinalutang na pagsasalegal ng e-sabong tinutulan ng OFWs

Ipinalutang na pagsasalegal ng e-sabong tinutulan ng OFWs

PALUSOT NG KONGRESITA,HINDI NAKALUSOT SA MGA OFW

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations ukil sa budget ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) para sa 2025, tinanong ni OFW Rep. Marissa Magsino si Pagcor Chair Alejandro Tengco kung posible bang gawing legal muli ang kasalukuyang ipinagbabawal na “e-sabong” upang matulungan ang ahensya na patuloy na makalikom ng kita sa gitna ng pagbabawal sa POGO.

Matapos nito ay mabilis na  nagviral ang panawagan ng mga OFW para tutulan ang mungkahi ni OFW Party list representative Marissa Magsino.  Agad itong nagbigay ng mensahe sa isang programa sa radyo at sa kanyang livestream.

Ayon kay Rep. Magsino ay walang bahid na anoman ang kanyang pagtatanong at inaalam lamang niya ang tungkol sa online sabong mula sa PAGCOR.

Hindi naman nakalusot ang kanyang mga paliwanag sa mga OFW leader dahil malinaw sa mga video na kumakalat na siya ay nagmumungkahi na gawin legal ang online sabong para kumita ang gobyerno.

Ayon kay Rep. Magsino “dapat po para maka-generate ng funds, baka pwede na lamang tayo magkaroon ng lisensya para pandagdag sa pondo ng PAGCOR”

Idininagdag pa niya na “kailangan lang po na gawin nating legal kesa mag-ilegal na wala naman tayong nakukuhang benepisyo” pagtatapos ni Rep. Magsino.

Madiin naman ang pagtutol ng AKO-OFW sa mungkahi na gawing legal ang e-sabong.

Bagamat aminado ang AkoOFW na kailangan dagdagan ang pondo para patuloy na pagbibigay ng social services sa mga mamamayan, hindi solusyon ang panukalang payagan ang muling pagbubukas ng e-sabong.

“In my humble opinion, there are other ways where we can generate revenue, and definitely legalization of e-sabong is not one of them,” sinabi ni AkoOFW Chairman Dr Chie Umandap.

Naniniwala ang AkoOFW na ang e-sabong ay nagdudulot ng malaking kapahamakan at pasakit sa mga OFW at maging sa kanilang mga pamilya.

“Marami na ang nabaon sa pagkakautang dahil dito, maging sa ibang bansa,” sinabi ni Umandap.

Ayon kay Umandap, mga ilang mga miyembro ng AkoOFW nasa ibang bansa
ang humingi ng tulong upang makauwi sa Pilipinas dulot ng pagkakabaon sa utang dahil sa pagsusugal sa e-sabong.

“Kaya naman tinututulan ng AkoOFW ang proposisyong buhayin muli ang e-sabong.  Atin pong protektahan ipon at buhay ng ating mga kabayanang OFW, ang pamilya nila at mga kapwa Pilipino.”

Sa isang Facebook post naman ng isang dating OFW na na nagmamay-ari ng ahensya  na si Lito Soriano ay sinabi nito  “As a formet OFWs and currently involved in deploying thousands of workers overseas every year I fear so much that if e-Sabong become legal not only OFWs and their families but for the general public. RNT