Cargo ships, including bulk carriers and general cargo vessels, sit at anchor offshore as a small motorboat passes in the foreground, in the Strait of Hormuz off Bandar Abbas, Iran, Monday, May 4 , 2026.(Amirhosein Khorgooi/ISNA via AP)
IRAN – Nagbabala ang Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran na isasara ang “all other export corridors that benefit the US and its allies.”
“Regional energy exports are either shared by all, or denied to all,” saad sa pahayag ng IRGC.
Ayon sa mga analyst, nagpapahiwatig ang Iran na maaaring gamitin nito ang mga ka-alyadong Houthi sa Yemen para isara ang Bab el-Mandeb gateway sa Red Sea.
Ang daanang ito ay nag-uugnay sa Red Sea at Gulf of Aden.
Nitong Lunes ay nagbabala ang senior Houthi official na naghahanda ang grupo na isara ang Bab el-Mandeb Strait, isang hakbang na maaaring magpataas sa presyo ng produktong petrolyo ng hanggang $200 kada bariles, kung patuloy ang pag-atake ng Saudi Arabia sa Yemen.
Inatake ng Houthi forces ang Saudi Arabia matapos akusahan ang naturang bansa ng pambobomba sa isang paliparan sa ilalim ng kanilang kontrol. RNT/JGC