Home TOP STORIES Iran, naglatag ng alternatibong ruta sa Strait of Hormuz

Iran, naglatag ng alternatibong ruta sa Strait of Hormuz

128
0

TEHRAN, Iran – Nag-anunsyo ang Iran ng alternatibong ruta para sa mga barkong dadaan sa Strait of Hormuz dahil sa panganib ng sea mines sa pangunahing daanan.

Ito ay kasunod ng pansamantalang pagbubukas muli ng strait bilang bahagi ng dalawang linggong tigil-putukan sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

Ayon sa Iranian Revolutionary Guards, pinapayuhan ang mga barko na gumamit ng ibang ruta upang maiwasan ang banggaan at panganib mula sa mga mina sa dagat.

“All ships intending to transit the Strait of Hormuz…they should take alternative routes for traffic in the Strait of Hormuz,” ayon sa kanilang pahayag.

Naglabas din sila ng mga tagubilin para sa alternatibong entry at exit routes sa nasabing daanan.

Ang Strait of Hormuz ay mahalagang ruta ng langis kung saan dumadaan ang humigit-kumulang isang-limang bahagi ng suplay ng langis sa buong mundo.

Naunang isinara ng Iran ang ruta mula pa noong Marso, na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng enerhiya sa pandaigdigang merkado, bago ito muling buksan sa ilalim ng ceasefire agreement. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here