Home ENTERTAINMENT Isa pang female celeb, dawit sa investment scam!

Isa pang female celeb, dawit sa investment scam!

Manila, Philippines – Inaasahang matutuldukan na ang kuwentong nagsasangkot sa mga female celebrities investment scam, dahilan para sampahan ng syndicated estafa.

Over the week, nauna munang napaulat si Neri Naig.

Celebrity endorser si Neri ng Dermacare beauty clinic.

In a matter of days, sumunod namang nakaladkad ang pangalan ni Rufa Mae Quinto.

Tulad ni Neri, Dermacare endorser din ang komedyana na inireklamo rin ng 39 katao.

Pareho rin sina Neri at Rufa Mae ng halaga para makapagpiyansa.

Sa ngayon, temporarily off the hook na si Neri habang papunta na rin doon si Rufa Mae na hindi naman para talikuran ang kaso.

Basta ang sabi ni Rufa Mae ay lilinisin niya ang nadungisan niyang pangalan.

While showbiz hopes na wala nang kasunod ito, tila may kuwento pang aabangan.

Pagkatapos daw kasi nina Neri at Rufa Mae ay may isa pang female celeb ang susunod na papanagutin.

Guessing game o pahulaan ngayon this side of the world kung sino ang ikatlong babaeng celebrity na ‘yon.

It comes in threes nga ba talaga? Ronnie Carrasco III