Home NATIONWIDE Isa patay, 2 senior nawawala sa pagguho ng landfill sa Davao

Isa patay, 2 senior nawawala sa pagguho ng landfill sa Davao

49
0

MANILA, Philippines – Isa ang kumpirmadong patay habang dalawang senior citizen ang nawawala matapos gumuho ang isang landfill sa Davao City nitong Miyerkules ng hapon, Mayo 20.

Sa report, gumuho ang bundok ng basura ala-1 ng hapon mula sa likod na bahagi ng sanitary landfill sa Barangay New Carmen.

Dahil dito ay natabunan ng basura ang mga kalapit na bahay.

Ayon sa kaanak ng nasawi, kinukuha nila ang kanilang mga alagang baboy nang mangyari ang trahedya.

Samantala, hinahanap naman ang dalawang matanda matapos na matabunan ng bundok ng basura ang kanilang mga bahay.

Mayroon namang dalawang indibidwal ang nasaktan sa insidente na dinala na sa ospital.

Isa sa posibleng dahilan ng insidente ay ang tuloy-tuloy na pag-ulan sa lugar.

Inabisuhan na ng mga awtoridad ang mga kalapit na residente na lumikas na muna. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here