Home NATIONWIDE Isa patay, isa na-coma sa paligsahan ng tungaan ng alak

Isa patay, isa na-coma sa paligsahan ng tungaan ng alak

DAVAO de Oro, Philippines – Patay ang isang indibidwal habang na-comatose naman ang isa pa sa pagsali sa paligsahan ng pag-inom ng alak sa sitio Maragusan, Davao De Oro.

Nangyari ang insidente sa kapistahan noon ng Sitio Dhalia nang maisipan ng mga kalalakihang nag-iinuman na lagyan ng premyo na tig-P500 ang bawat pares na makakaubos ng isang bote ng 750ml na alak na may 40% na alcohol.

Ang premyo ay itinaas pa sa tig-P1,000 ng vice president ng purok sa makakaubos ng isa pang bote ng alak.

Sa pagsalang ng magkaibigang biktima na sina Arlon at Miguelito, nagawa nilang maubos ang dalawang bote ng alak sa loob lang ng mahigit 20 minuto.

Hindi nagtagal ay nagsuka si Arlon at nagdugo pa ang ilong, habang si Miguelito ay nawalan na ng malay.

Dahil sa pag-aakala ng mga tao na lasing lang ang dalawa, hinayaan lang silang makatulog at magpahinga.

Pero nang lumipas na ang ilang oras at hindi pa nagigising ang dalawa, doon na naalarma ang mga tao.

Si Arlon, pilit nilang ni-revive pero hindi na nasagip ang kaniyang buhay. Habang si Miguelito, comatose na isinugod sa ospital, na nilagyan ng “tubo” para masagip ang kaniyang buhay. RNT