Home NATIONWIDE Pagkakasangkot ng konsi sa illegal drugs tatalupan ng QuadComm

Pagkakasangkot ng konsi sa illegal drugs tatalupan ng QuadComm

MANILA, Philippines – Lalaliman pa ng House Quad-Committee ang imbestigasyon nito ukol sa pagkakasangkot ni Davao City Nilo “Small” Abellara Jr sa importasyon ng illegal drugs.

Si Abellara ay una nang tinukoy ng testigo ng Quad Committee na si Jimmy Guban na diumano ay business partner ni Michael Yang, ang dating presidential adviser on economic affairs ng nakaraang administrasyon.

Sa kanyang affidavit sinabi ni Guban na si Abellera ang syang nagpakilala sa kanya sa smuggling operation noong 2017.

Taong 2018 nang ipakilala sya ni Guban sa isang Chinese importer na nagngangalang Henry, aniya, si Abellera din ang nagsabi sa kanya na huwag maghigpit sa mga papasok na shipment.

Sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na naniniwala sya sa testimonya ni Guban laban kay Abellera kaya nararapat na maimbitahan ito sa susunud na pagdinig.

Gayundin ang pahayag ni House Committee on Drugs Chairman Rep Ace Barbers, aniya, inaasahan nilang mas mabibigyang linaw ang isyu ng illegal drugs sa susunud na pagdinig

Sa kanyang unang testimonya ay tinuro ni Guban sina Davao City Rep Paolo Duterte, Atty Mans Carpio Duterte, Yang at Abellera na syang nasa likod ng pagsmuggle ng P11 billion shabu na itinago sa magnetic lifters at Manila International Container Port (MICP) moong 2018. Gail Mendoza