Home NATIONWIDE Isa sa apat na suspek sa P3.2M pagnanakaw sa Bocaue, nalambat sa...

Isa sa apat na suspek sa P3.2M pagnanakaw sa Bocaue, nalambat sa Tanay

185
0

Bulacan – Arestado ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek na tumangay ng P3,296,500.00 halaga ng mga alahas at cellular phones sa bayan ng Bocaue.

Sa ulat ni PLTCOL Gilbert Diaz, hepe ng Bocaue police station, naganap ang insidente bandang 7:20 ng gabi noong Pebrero 25 sa Villa Zaragoza, Brgy. Turo.

Ayon sa imbestigasyon, apat na armadong lalaki na nakasuot ng itim na jacket at mask ang puwersahang pumasok at tinutukan ng baril ang mga biktima sabay tangay sa alahas at cellular phones na nasa halagang P3,296,500.00 bago tumakas lulan ng isang sedan.

Nang makarating sa nasabing istasyon ang nangyari ay agad nagsagawa ng malalimang imbestigasyon at koordinasyon sa Bulacan Provincial Intelligence Unit.

Sa isinagawang back at forward tracking ay natukoy ang ginamit na getaway vehicle bilang isang puting Honda City na may plakang ABT-5774.

Sa patuloy na koordinasyon sa iba pang operating units ay natuklasang sangkot din umano sa mga insidente ng robbery sa Parañaque at karatig lugar na inuugnay sa grupong kriminal na kilala bilang “Rizal Group.”

Sa isinagawang follow-up operation at pag-trace ay natuloy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na kapwa residente ng Tanay, Rizal na positibog itinuro ng biktima sa isinagawang pagkilala.

Dahil dito, sa pamamagitan ng intelligemce-driven operation nitong Pebrero 28, nagawang makipag-ugnayan ng mga operatiba sa isang suspek nang mag-post sa social media ukol sa nawawala nitong plaka ng sasakyan.

Nagpanggap ang mga pulis bilang nakapulot ng nasabing plaka upang makipagkita sa suspek sa Tanay Municipal police station hanggang sa makilala ito ng isa sa mga saksi bilang isa sa armado kaya agad inaresto sa ilalim ng hot pursuit operation.

Agad dinala ang naarestong suspek sa istasyon sa Bocaue kasama ang puting Honda City na ginamit sa krimen.

Samantala, ang kaso laban sa suspek at mga kasabwat ay naisampa na sa Office of the Provincial Prosecutor sa Malolos City nitong Pebrero 28, 2026.

Sinsabing sa patuloy na imbestigasyon, positibo ring nakilala ang isa pang suspek sa pamamagitan ng mga nakuhang larawan at testimonya ng mga biktima.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa iba pang mga suspek. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here