Home NATIONWIDE Kelot patay sa taga ng kapitbahay sa Cavite

Kelot patay sa taga ng kapitbahay sa Cavite

159
0

MANILA, Philippines – Isang mister ang namatay makaraang tagain ng kanyang kapitbahay dahil sa bintang ng pagnanakaw ng una sa huli sa Carmona City, Cavite kamakalawa ng madaling araw.

Ayon sa report, kinikala ang biktima na si Alyas Dado na kaagad naisugod sa Pagamutang Bayan ng Carmona pero inilipat sa Philippine General Hospital na kalaunan ay namatay habang ginagamot.

Base sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa Kubuhan-Altarez, Brgy Maduya, ng nasabing lugar kung saan muling nagkita ang dalawa at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang kumuha umano ng itak ang suspek at tinaga ang biktima.

Ayon sa mga saksi, madalas umanong magtalo ang dalawa tuwing nagkikita kung saan inakusahan umano ng biktima ang suspek na si alyas Bert ng pagnanakaw ng kanyang gamit.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Artcile 249 ng RPC ang pinaghahanap na suspek na tumakas matapos ang ginawang krimen. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here